133 na mga dating ruta, bubuksan na ng LTFRB para sa pagbabalik eskwela ng mga estudyante sa Lunes

Bubuksan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 133 mga dating ruta kasabay ng pagbubukas ng mga eskwelahan sa Lunes, August 22,2022.

Ito ang inanunsyo ni LTFRB Chairperson Cheloy Garafil sa isinagawang pulong balitaan sa LTFRB central office.

Ayon kay Garafil, ang mga ito ay ang mga ruta na isinara noong wala pa ang COVID-19 pandemic.


Kinabibilangan ito ng mga Public Utility Jeepney (PUJ) na may pinayagang 52 na ruta, traditional PUJ na may 49 na ruta, modern PUJ na may tatlong pinayagang ruta, UV Express na may 32 na ruta, traditional UV Express na may 30 na ruta, modern UVE na may dalawang pinayagang ruta at mga City Public Utility Buses na may 33 na ruta.

Ani Garfil, bukas ay magsisimula na ang pagbibigay nila ng special permit sa mga bus para makabiyahe sa mga non-EDSA bus route.

Ang mga jeep na mayroong Certificate of Public Convenience ay hindi na kailangan ng permit.

Bagama’t hindi pa inilalabas ng ahensya ang kumpletong listahan ng mga lumang ruta, tiniyak ni Garafil na malalapit ang mga ito sa mga eskwelhan tulad sa university belt area.

Facebook Comments