University belt sa Maynila, sinuyod ng MMDA bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Lunes

49

Nagsagawa ng clearing operations ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa iba’t ibang kalsada sa Maynila partikular sa university belt.

Ito ay bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Lunes.

Partikular na nilinis ng MMDA ang bike lanes na ginagawang pay parking sa Maynila.


Mahigit sampung mga pribadong mga sasakyan at ilang pampublikong mga sasakyan din ang hinatak ng MMDA.

Kabilang na rito ang mga sasakyan na nasa labas ng bahay at walang parking.

Facebook Comments