134 na mga pulis, nadagdag sa mga positibo sa COVID-19

Sa ulat ng Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO) kahapon, panibagong 134 na pulis ang nag-positive sa COVID-19.

Isang daan at tatlumpu (130) sa mga bagong nagpositibo ang nakatalaga sa PNP CALABARZON at apat sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Pero good news dahil ang bilang ng mga nagpositibo, 501 ay gumaling na habang inoobserbahan pa ang 666 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 1,431 na pulis ang suspect cases ng COVID-19.


Nananatili naman sa siyam ang pulis na namatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments