Isang hinihinalaang drug pusher, arestado sa Pasig City

31

Kalaboso ang hinihinalang tulak sa ilegal na droga matapos na maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Caniogan, Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Rex Piloto, 40-anyos, residente ng No.10 NAIA Ave., Barangay San Dionisio, Parañaque City.


Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ni Pasig City Station Drug Enforcement Unit Police Major Jose Luis Aguirre sa C. Reymundo Ave., Brgy Caniogan, Pasig City kung saan narekober ng Pasig Philippine National Police (PNP) mula sa suspek ang 15 pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 70 gramo na nagkakahalaga ng ₱476 at ₱500 buy-bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa suspek.

Facebook Comments