Cauayan City, Isabela- Idineklarang ‘fully recovered’ na ang nasa 134 na tinamaan ng COVID-19 mula sa Lalawigan ng Isabela.
Sa inilabas na impormasyon ng Isabela Provincial Information Office mula sa Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU), umaabot na sa 20,856 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa probinsya kabilang na ang 134 na newly recovered cases.
Mayroon namang 89 na naitalang panibagong positibong kaso at lima (5) na namatay sa COVID-19.
Kaugnay nito, bahagyang tumaas sa 1,433 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya mula sa naitalang kabuuang bilang ng nagpositibo na 20,856.
Mula sa bilang ng total cumulative cases ng Isabela, 696 na rito ang namatay.
Samantala, nananatili pa rin ang Lungsod ng Cauayan sa may pinakamaraming aktibong kaso ng COVID-19 na umaabot sa 181 na sinusundan ng bayan ng Tumauini na may 132.