Nasa 35,000 tauhan ng Philippine National Police ang ide-deploy sa buong bansa para matiyak ang segridad at kaligtasan ng publiko ngayong Undas.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac, may 100,000 volunteers din ang magiging bahagi ng police force.
Kabilang rito ang mga fire, medics at rescue groups gayundin ang mga bantay bayan at mga barangay tanod.
Kabilang sa mga babantayan ay ang mga sementeryo, bus terminal, paliparan at pantalan.
Pinayuhan naman ng PNP ang publiko na maging mapagmatiyag at alerto sa paggunita ng holiday season.
Facebook Comments