137 vaccine recipients, nakaranas ng seryosong adverse reactions – FDA

Nakaranas ng seryosong adverse reactions ang 137 mula sa 240,297 COVID-19 patients na nabakunahan na laban sa sakit.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, nasa 83 vaccine recipients ang nagkaroon ng serious side effects nang maturukan ng Sinovac Biotech.

Aabot naman sa 54 na naturukan ng AstraZeneca ang nakaranas ng serious adverse reactions


Kabilang sa mga karaniwang serious side effects ay allergy, pananakit ng dibdib, nasal congestion, palpitations at iba pa.

Pagtitiyak ni National Adverse Events Following Immunization Vice Chairperson Dr. Rommel Lobo na binibigyan agad ng treatment ang mga nakaranas ng serious adverse events.

Facebook Comments