1,370 overseas Fililpino repatriates mula sa Middle East, darating ngayong araw sa bansa

32

1,370 overseas Filipinos mula sa Middle East ang panibagong darating ngayong araw sa bansa.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) – Media affairs division, bago mag alas-diyes kaninang umaga, dumating ang unang 350 Pinoy repatriates mula Dammam via Philippine Airlines flight PR683.

Sinundan ito ng arrival ng 350 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Qatar sakay ng Philippine Airlines flight PR685.

Habang ang 350 Pinoy repatriates mula sa Riyadh, Saudi Arabia, sakay ng Philippine Airlines flight PR654 ang dumating ngayong alas-dose ng tanghali.

Samantala, 320 Pinoy repatriates mula Abu Dhabi, UAE na sakay ng Etihad Airlines flight EY424 ang darating din ngayong hapon.

Facebook Comments