Cauayan City, Isabela – Magpapakasal na bukas, February 22 sa oras alas nuwebe ng umaga ang 139 na pares sa Kasalang Bayan na gaganapin sa Fldy Coliseum,Cauayan City,isabela.
Ayon kay City Civil Registrar Officer Nerissa Serrano, nakahanda na ang lahat para sa kasalang bayan ng lungsod kung saan lahat umano ng kailangan sa nasabing okasyon ay ibibigay ng city government sa pangunguna ni city mayor Bernard Faustino M. Dy.
Sinabi pa ni Serrano na lahat ng pares sa kasalan ay mabibigyan ng libreng token, singsing at pagkain bilang first meal ng mga bagong kasal.
Si city mayor Bernard Dy ang magiging solemnizing officer sa naturang kasalang bayan at pangungunahan din ang gagawing gala-gala kasama ang lahat ng opisyal ng lungsod.
Magiging libre umano ang solemnizing fee at marriage license fee dahil sa ang kasalang bayan ay isang pinakamahalaga sa selebrasyon ng Civil Registration Month ngayong buwan.
Idinagdag pa ni Serrano na karamihan sa mga magpapakasal ay matagal nang nagsasama, may ilan din na bago pa lang ang pagsasama at mayroon ding balo na ngunit nais pang mag-asawa ulit.
Samantala lahat ng magpapakasal bukas ay walang problema sa kanilang mga papel dahil pumasa nman umano sa Certificate of No Marriage o CENOMA.
139 na Pares, Makikibahagi sa Kasalang Bayan!
Facebook Comments