DepEd, tiniyak na maayos ang kalagayan ng mga estudyante sa Embo schools sa unang araw ng klase

Walang anumang problemang naitala ang Education Department sa pagbabalik-eskwela ng mga estudyante sa mga Embo schools sa Taguig.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Assistant Secretary for Field Operations Francis Bringas, nasaksihan niya mismo ang sitwasyon sa unang apat na paaralan sa Embo schools sa kanyang pag-iikot.

Nasa tamang bilang din aniya ng mga mag-aaral ang bawat classroom at hindi siksikan.


Sa ngayon, nasa 30,000 ang mag-aaral na dumagsa sa mga paaralan sa Embo barangays na nasa hursidiksyon na ngayon ng Taguig.

Facebook Comments