Bilang ng mga pasahero sa mga pantalan ngayong araw, pumalo na sa higit 46,000

Umabot sa 46,621 ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa bansa ngayong araw.

Sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot sa 24,553 ang outbound passengers at nasa 22,068 naman ang inbound passengers.

Para manatiling ligtas ang biyahe, nagtalaga ang PCG ng 2,718 na tauhan sa labinlimang distrito nito.


Ininspeksyon din ng coast guard ang 427 na barko at 405 na motorbanca bago bumiyahe.

Mananatili ang heightened alert ng coast guard hanggang September 1, 2023 para sa inaasahang pagdagsa ng pasahero sa pagbabalik ng klase.

Facebook Comments