DSWD, target na rin ilunsad sa iba pang rehiyon sa bansa ang kanilang Food Stamp Program

Pinagpaplanuhan na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang “Walang Gutom 2027” o Food Stamp Program sa iba pang rehiyon sa bansa sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Social Welfare Assistant Secretary Irene Dumlao, layon ng DSWD na dagdagan ang pagkain ng mga benepisyaryo nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng ₱3,000 halaga ng monthly food credits sa kanilang Electronic Benefit Transfer.

Matatandaan ng isagawa ng ahensiya ang pilot launching ng programa sa National Capital Region (NCR) at CARAGA Region nito lamang kasalukuyang taon.


Facebook Comments