Disqualification cases laban sa mga kandidato sa BSKE, reresolbahin ng COMELEC bago mag-October 30

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC), na dedesisyunan nito  ang disqualification cases laban sa mga kandidato sa Barangay at SK Elections (BSKE) bago sumapit ang October 30.

Partikular ang kaso ng 35 na mga kandidato na  lumabag sa panuntunan sa maagang pangangampanya.

Hindi naman pinangalanan ng poll body ang mga kandidatong kinasuhan.


Bukod sa pagpaskil ng posters, may ilang mga kandidato ang nahuling namimigay ng campaign materials sa mga bahay-bahay.

Facebook Comments