Mahigit 2,000 pulis, napatawan ng parusa sa termino ni Pangulong Marcos

Siniulat ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na 2,304 pulis ang napatawan ng parusa sa paglilinis ng hanay ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Abalos na sa bilang na ito, 583 ang na-dismiss sa serbisyo, 129 ang na-demote, at 978 ang nasuspindi mula July 1, 2022 hanggang Agosto 2, 2023.

Habang 424 naman ang na-reprimand, 81 naman ang na-forfiet ang sahod, 61 ang naging subject ng restriction at 48 ang na withold ang probilehiyo sa loob ng naturang panahon.


Tiniyak naman ni Abalos na karamihan parin ng mga tauhan ng PNP ang maayos na gumawa ng kanilang tungkulin, kasabay ng pagbibigay diin na ang mga pulis na nakagawa ng kamalian at nakasuhan ay wala pa rin isang porsyento ng mahigit 220,000 tauhan ng PNP.

Facebook Comments