Nagsimula na ang pamamahagi ng titulo ng lupa at relief packs ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga agrarian reform beneficiaries na nasalanta ng Bagyong Ulysses sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.
Ayon sa DAR, namahagi sila ng 47 Certificate of Land Ownership Award (CLOAs) at 900 relief packs sa malalayong bayan ng Enrile, Solana, Amulung at Alcala sa lalawigan ng Cagayan at sa San Pablo at Sto. Tomas sa lalawigan naman ng Isabela.
Ang pamamahagi ng lupa ay tinawag na “Serbisyong DAR-to-Door” kung saan ang mga opisyales ng DAR ay personal na mag-aabot ng mga CLOA sa mga piniling agrarian reform beneficiaries.
Facebook Comments