Resolusyon na kumokondena sa aksyon ng China sa West Philippine Sea, pinagtibay ng Kamara

Pinagtibay ng House of Representatives, ang House Resolution 1494 na kumokondena sa mga iligal na askyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Nakapaloob din sa resolusyon, ang paghikayat sa ating pamahalaan na igiit at ipaglaban ang ating sovereign rights sa ating Exclusive Economic Zone (EEZ) at pagsusulong ng ating tagumpay sa Permanent Court of Arbitration.

Pangunahing tinukoy sa resolusyon na mga iligal na gawain ng China sa West Philippine Sea ay ang harassment, shadowing, blocking, mapanganib na manuevering at radio challenges.


Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang resolusyon ay patunay ng commitment ng Kamara na maproteksyunan ang teritoryo ng Pilipinas sa bahagi ng West Philippine Sea laban sa mga panggigipit ng China sa mga Pilipinong mangingisda at ating security forces na nagpapatrolya sa ating EEZ.

Binanggit ni Romualdez, na kasama ring isinusulong ng Kamara ang pagpapalakas sa ating pagbabantay sa ating maritime zones sa pamamagitan ng pagkakaroon ng self-reliant defense posture program, pag-upgrade sa kakayahan ng Philippine Coast Guard (PCG), at pagbuhos ng pondo sa mga tropa ng gobyerno at civilian maritime patrol forces.

Facebook Comments