13th Month Pay, matatanggap na ng mga SSS Pensioners simula ngayong araw

Matatanggap na simula ngayong araw ng mga Pensyonado ng Social Security System (SSS) ang kanilang 13th Month Pay.

Ayon sa SSS, higit 2.83 Million Pensioners ang makakatanggap ng kanilang pensyon matapos ilabas ang higit 12.71 Billion Pesos na pondo para rito.

Ayon kay SSS President and CEO Aurora Ignacio, nag-request na sila sa kanilang partner banks na ipasok ang 13th Month Pension sa Savings Accounts ng mga Pensioners upang ma-enjoy nila ang matatanggap na pera ngayong Holiday Season.


Ang mga Tseke ay inilabas ay ipinadala na mula pa noong November 26.

Umaasa ang SSS na maililipat ang lahat ng mga Pensyonado sa paggamit ng ‘trough-the-bank’ System para sa mabilis at ligtas na pagtanggap ng benepisyo.

Ang halaga ng 13th Month Pension ay na-compute batay sa Basic Monthly Pension.

Facebook Comments