PRRD, muling pinayuhan ang anak na si Davao City Mayor sara Duterte na huwag tumakbo sa 2022 Elections

841

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na huwag tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 Elections.

Sa isang panayam, ayon kay Pangulong Duterte na ayaw niyang maranasan ni Mayor Inday Sara ang nararanasan niya ngayon bilang lider ng bansa.


Punto pa ng Pangulo, kinakalkal ang buhay ng isang Presidente at napaparatangan din ng katiwalian.

Nitong Nobyembre, sinabi ng Pangulo kay Mayor Sara na hindi dapat paniwalaan ang mga panawagan ng mga tao para tumakbo.

Facebook Comments