Tiniyak ni Education UnderSecretary Annalyn Sevilla na napagkakalooban ng financial assistance ang mga guro ngayong umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Undersecretary Sevilla na naibigay na ang sweldo ng mga guro para sa buwan ng Marso at Abril habang pinoproseso na ang kanilang sweldo para naman sa buwan ng Mayo.
Nakuha na rin, aniya, ng mga guro ang kanilang clothing allowance na nagkakahalaga ng ₱6,000 at inaasikaso na ang kanilang performance-based bonus.
Samantala, magandang balita para sa mga guro dahil makukuha na nila ang kanilang 13th month pay sa darating na May 15.
Naayos na rin, aniya, ang loan moratorium ng mga guro.
Paliwanag ni Sevilla, paraan ito ng kagawaran upang matiyak na mayruong magagastos ang mga guro pambili ng basic needs ng kani-kanilang pamilya ngayong nararanasan ang krisis sa COVID-19.