13th Month Pay ng mga Manggagawa, Dapat Maibigay bago mag Dec. 24- DOLE 2!

42

*Cauayan City, Isabela- *Mananagot sa batas ang sinumang employer o kumpanyang hindi nagbibigay ng 13th month pay ngayong katapusan ng taon.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Department Of Labor and Employment (DOLE) Regional Director Atty. Sarah Mirasol, dapat maibigay ng employer ang 13th month pay ng kanyang empleyado bago mag December 24 ng kasalukuyang taon.

Aniya, bukod sa mapapatawan ng malaking multa ang sinumang employer na lalabag sa Presidential Decree no. 851 ay maaari ding maipasara ang kompanya.

Nilinaw rin ni Atty. Mirasol na makakatanggap rin ng 13th month pay
ang mga mangagawang Contractual at mga nasa probasionary period.

Pinaalalahahan naman nito ang lahat ng mga manggagawa na dumulog lamang sa tanggapan ng DOLE upang ireklamo ang mga employer na hindi nagbibigay ng 13 th month pay maging ang iba pang mga hinaing sa employer o kompanya.

Facebook Comments