Nagkaroon ng 14.04% na pagbaba sa index crime sa unang 72 oras ng pagsisimula ng campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ito inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda Jr., habang patuloy ang ginagawa nilang paghahanda para sa idaraos na halalan sa Oktubre 30.
Ayon kay Acorda, naitala ang pagbaba ng index crime mula Oktubre 19 hanggang 21, 2023 o mababa ng 32 insidente kung ikukumpara noong Oktubre 16 hanggang 18, 2023.
Kasunod nito, kumpiyansa ang PNP na magpapatuloy ang mababang insidente na may kaugnayan sa halalan hanggang matapos ang campaign period sa mga susunod na araw.
Sa datos ng PNP, nakapagtala sila ng 109 insidente, kung saan 22 ang validated elections-related incidents (ERIs), 23 ang suspected ERIs, at 64 ang non-ERIs.