14-anyos na Binatilyo, Ginahasa ng Kainuman sa Quirino Province

Cauayan City, Isabela- Pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek sa umano’y panggagahasa sa isang 14-anyos na lalaki sa Quirino Province.

Kinilala ang suspek na si Emerson Ruiz, 35-anyos at residente ng Brgy. Villa Sur, Maddela, Quirino.

Base sa naging salaysay ng biktima, madaling araw noong July 18, 2021 ng makainuman nito ang suspek sa nasabing barangay.


Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP,ilang minuto ng mawalan umano ng signal sa gamit na cellphone ang biktima kung kaya’t naghanap ito ng lokasyon upang magkaroon ng signal sa kanyang cellphone subalit sinusundan na pala ng suspek ang biktima at tinutukan ito ng matalim na bagay at sinabihang dumapa.

Dahil sa matinding takot, wala ng nagawa ang menor de edad kundi sundin nalang ang iniuutos ng suspek at nagsimula na siyang molestiyahin.

Naglakas ng loob ang biktima na magsumbong sa kanyang lola at agad namang nagtungo sa pulisya upang ipaalam ang ginawang krimen ng suspek sa kanyang apo.

Batay sa ulat ng Police Regional Office 2 (PRO2), sinampahan ng kasong Rape in relation to RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act dahil sa insidente.

Inalarma naman ng panrehiyong tanggapan ng pulisya ang lahat ng sangay ng PNP sa rehiyon para agad na madakip ang suspek sa panggagahasa.

Facebook Comments