14 anyos na nawawala na umano’y kasama ni Carl Angelo Arnaiz, natagpuan ang mga labi sa isang punerarya sa Gapan, Nueva Ecija

Gapan, Nueva Ecija – Patay na ng makita ang labing apat na taong gulang na binatilyo na kasama ng 19-anyos na si Carl Angelo Arnaiz noong araw na umanoy nagholdap sila ng isang taxi.

Tadtad ng tatlumpung saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at balot ng packing tape ang mukha ni Reynaldo De Guzman nang makita sa isang punerarya sa Gapan, Nueva Ecija.

Personal na kinumpirma ng kanyang magulang ang labi ng biktima makaraang nakatanggap ng tip mula sa isang facebook user.


Ngayong hapon, inaasahang maglalabas ng statement ang PNP-Gapan.

Facebook Comments