14 Barangay sa City of Ilagan, Drug Free Na!

Ilagan City, Isabela- Binigyang parangal ang labing apat na barangay ng City of Ilagan sa isinagawang Declaration of Drug Free Barangay kanina dakong alas dos y medya ng hapon, Marso 14, 2018.

Kabilang sa mga barangay na nabigyang parangal ay ang Brgy. Sta. Catalina, Minabang, Naguilian Sur, Mangcuram, Rang-ayan, San Pablo, Morado, Gayong-gayong Norte, Ballacong, San Ignacio, Capo, Salindingan, Quimalabasa at Carikkikkan Norte.

Sa pagtutok ng RMN Cauayan News Team sa naturang aktibidad, sinabi ni Mayor Evelyn C. Diaz na ito na umano ang araw na pinakahihintay ng City of Ilagan na makapagdeklara ng mga barangay sa lungsod bilang drug free sa kabila ng kanilang puspusang pagkakaisa at pagtutulungan para masapit ang araw ng deklarasyong ito.


Dagdag pa niya, ang paggamit ng illegal na droga ay isa sa malaking problema at hadlang sa maayos at maliwanag na kinabukasan sa kahit saang bayan.

Samantala, pursigido pa ngayon ang pamunuan ng City of Ilagan sa pakikipagtulungan sa iba’t-ibang ahensya upang makamit ang hangaring maideklara ang lahat ng barangay sa lungsod bilang drug free.

Tags: Luzon, Cauaya City, Isabela, City of Ilagan, Evelyn C. Diaz, Isabela PPO, Philippine Drug Enforcement Agency, PNP Ilagan, RMN Cauayan, DWKD 98.5

Facebook Comments