Babaing Tulak ng Droga, Natimbog sa Buy Bust Operation!

88

Gamu, Isabela- Arestado ang isang babai matapos kagatin ang pain ng isang agent na nagpanggap na bibili ng ipinagbabawal na droga pasado alas siyete ng gabi, Marso 14, 2018.

Kinilala ang suspek na si Genevie Allapitan, 38 anyos, walang Trabaho, tubong Brgy. Lapogan, Tumauini at kasalukuyang residente ng Brgy. Upi, Gamu, Isabela.

Batay sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan News Team, natimbrehan umano ng PNP Gamu at PDEA na ang suspek ay nagbebenta ng ipinagbabawal na droga kaya’t agad naman nagsagawa ng Buy Bust Operation ang dalawang pinagsanib puwersang ahensya dahilan upang madakip si Allapitan.

Nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang isang piraso ng limang daang piso, isang plastik ng hinihinalang shabu at isa pang pirasi ng limang libong piso na ginamit bilang buy bust money.

Agad namang dinala ang susupek sa himpilan ng PNP Gamu at ngayon ay inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa suspek.

Tags: Luzon, Cauayan City, Isabela, RMN Cauayan, DWKD 98.5, PNP Gamu, PDEA Region 02, Gamu, Isabela, PNP Gamu Valley Cops.

Facebook Comments