14 Bayan sa Isabela, COVID-19 FREE

63

Cauayan City Isabela- Umabot sa 14 bayan sa Isabela ang naitalang COVID-19 Free.

Batay sa datos ng Provincial Information Office, kinabibilangan ito ng mga bayan ng Alicia, Benito Soliven, Cabagan, Dinapigue, Naguilian, Palanan, Quirino, Reina Mercedes, San Agustin, San Guillermo, San Pablo, Sta. Maria, Sto. Tomas, at Tumauini.

As of December 15, nakapagtala naman ang probinsya ng apat (4) na panibagong kaso kung saan umabot na sa kabuuang walumpu (80) ang aktibong kaso.


Nasa 28 naman ang mga bagong gumaling sa sakit dahilan upang umakyat ito kabuuang 58,562 habang 2,061 naman ang Total COVID-19 related deaths.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 60,703 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa probinsya.

Facebook Comments