Cauayan City, Isabela- Labing apat (14) na COVID-19 Positive at dalawang (2) ang nananatili at kasalukuyang minomonitor sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, medical Chief ng CVMC, sinabi nito na ang labing apat na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay mga naitala mula sa Lalawigan ng Cagayan at Isabela.
Anim (6) na COVID-19 patients ang minomonitor sa CVMC, isa (1) sa bayan ng Gonzaga, dalawa (2) sa Tuguegarao City, isa (1) sa Iguig at isa (1) sa Peña Blanca.
Walong (8) pasyente naman ang galing sa Isabela, isa (1) sa bayan ng Sta Maria, isa (1) sa Quezon, tatlo (3) sa City of Ilagan, isa (1) sa Aurora, isa (1) sa Tumauini at isa (1) sa bayan ng Quirino.
Ang dalawang (2) COVID-19 Suspect naman ay mula sa bayan ng Roxas, Isabela at sa brgy Caritan Norte, Tuguegarao City, Cagayan.
Sinabi pa ni Dr Baggao, parehong may sipon ang dalawang suspect sa sakit na COVID-19 subalit hindi naman aniya kritikal ang kondisyon ng mga ito dahil sila ay nasa maayos na kalagayan habang ang 14 na mga pasyente ay pawang mga nasa mild condition.
Kung mapansin aniya ay patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 kaya’t paulit-ulit pa rin aniya ang kanilang paalala sa publiko lalo na sa mga nasa vulnerable sector na sumunod sa health at safety protocols upang makaiwas sa pagkahawa o pagkalat ng COVID-19.