Pinag-aaralan ng Quezon City Local Government Unit (LGU) na palawigin pa ang 14-day lockdown sa labing-isang (11) lugar sa limang barangay sa lungsod na una nang isinailalim sa Special Concern Lockdown.
Ayon kay Dr. Rolly Cruz, Head ng QC – Epidemiology and Surveillance Unit (ESU), ipagpapatuloy kasi ang rapid testing sa lahat ng indibidwal sa mga lugar.
Nauna nang inilagay sa 14-day Special Concern Lockdown ang Sitio Militar sa Brgy. Bahay Toro; Vargas Compound, Adelfa Metro Heights, Abanay at Ancop Canada sa Brgy. Culiat; Lower Gulod sa Brgy. Sauyo; 318 Dakila St., 2nd Alley Kalayaan B at Masbate St. Sa Brgy. Batasan Hills; at Victory Avenue, ROTC Hunters, BMA Avenue at Agno St. Sa Brgy. Tatalon.
Mula nang pasimulan ang rapid testing noong May 21, 2020 nakapag-test lamang ang QC-ESU ng 1,419 na indibidwal sa limang barangay.
Umapela si QC Mayor Joy Belmonte sa mga residente roon na makipagtulungan para ganap nang mapigilan ang pagkalat ng nakakamatay na virus.