Cauayan City, Isabela- Nagsimula na ngayong araw, Mayo 10, 2021 ang pagsasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong Lalawigan ng Cagayan na magtatapos hanggang alas 11:59 ng gabi ng ika-23 ng Mayo batay na rin sa atas ng Inter Agency Task Force (IATF).
Ang lalawigan ng Cagayan ay kabilang sa mga probinsya na nasa ‘High’ risk dulot ng patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 lalo na sa Lungsod ng Tuguegarao na nakaka-apekto na sa iba’t ibang bayan sa buong lalawigan.
Una nang inabisuhan ng IATF si Gov. Mamba na isailalim sa 14-day MECQ ang probinsya dahil sa napakataas na naitalang kaso ng COVID-19 na dahilan ng pila-pilang kaso sa mga pampubliko o pribadong ospital sa Lalawigan.
Kaugnay nito, tanging mga Authorized Persons Outside Residence o APOR lamang ang papayagan na makalabas ng bahay; mga bibili ng pagkain o anumang pangangailangan at usapin sap ag-asikaso sa kalusugan.
Sa pinakahuling tala ng Lalawigan kahapon, Mayo 09, 2021, nasa 1,886 ang Covid-19 active cases ng Cagayan na kung saan 1,017 rito ang mga positibong galing sa Tuguegarao.