Iginiit ng Department of Health (DOH) na kailangang magkaroon ng mahigpit na border protocols para sa arriving international travelers para mapigilan ang pagpasok ng mas nakakahawang variants ng COVID-19.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman, ang pagpapatupad ng 14-day quarantine para sa arriving international travelers ay ikinokonsiderang ‘best strategy’ para maprotektahan ang bansa mula sa pagpasok ng mga variants of concern.
Ang 10-day quarantine ay kailangang para sa international travelers para mabawasan ang banta ng infection.
Ang isang infected individual ay maaaring asymptomatic sa unang tatlong araw ng exposure, at maaari pa ring magnegatibo sa RT-PCR test.
Facebook Comments