14-day quarantine sa fully vaccinated persons na papasok sa Pilipinas, dapat alisin na

Nananawagan si Senate President Tito Sotto III sa Inter-Agency Task Force (IATF) at sa Department of Health (DOH) na alisin na ang 14 na araw na quarantine sa mga papasok sa Pilipinas na fully vaccinated na.

kinukwestyon ni SP Sotto kung bakit kailangan pang sumailalim sa quarantine ang sinumang darating sa bansa kung nakakumpleto na sila ng bakuna laban sa COVID-19.

Para kay SP Sotto, walang saysay ang nabanggit na polisiya at hadlang ito sa pagkamit sa layunin ng pagbabakuna na mabuksan ang ating ekonomiya.


Babala ni SP Sotto, dahil sa naturang polisya ay hindi na rin papasok sa bansa ang mga investor na nabakunahan na.

Dagdag ni SP Sotto, maging ang mga fully vaccinated na Pilipino ay magdadalawang isip na ring umuwi sa bansa.

Facebook Comments