14 katao, patay matapos atakihin ng hindi pa nakikilalang grupo ang isang military escort sa Pakistan

223

Patay ang aabot sa 14 katao matapos atakihin ng hindi pa nakikilalang grupo ang isang military escort sa Southwestern Province ng Balochistan sa Pakistan.

Ayon sa mga otoridad, ang convoy ay mula sa Oil and Gas Development Corporation Limited (OGDCL) kung saan lulan nito ang pitong sundalo at pitong private security guards.


Sinasabing kagagawan ito ng Baloch militant groups pero wala pa itong kasiguraduhan.

Sa ngayon, sinarado na ang lugar habang nagpapatuloy ang paghahanap ng mga otoridad sa mga salarin.

Facebook Comments