14 katao, sugatan na pagbangga ng bus sa dalawa pang bus sa Pasay City

Sugatan ang 14 na pasahero matapos ang banggaan ng tatlong bus sa EDSA Busway sa Taft Avenue, Pasay City ngayong araw ng Lunes.

Ayon sa bus driver na si Rodolfo Bautista, narinig niya na may sumingaw sa kanyang minamanehong bus at pagkatapos nito ay bigla siyang nawalan ng preno.

Dito na aniya siya sumalpok sa sinusundan niyang bus at bumangga rin sa isa pang bus.


9 sa mga sugatan ay mula sa unang bus at 5 naman ang nasugatan sa ikalawang bus.

Ang mga nasugatang pasahero ay dinala sa Pasay City General Hospital at San Juan de Dios Hospital sa Pasay City.

Facebook Comments