
Welcome ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pahayag ng Development Bank of the Philippines (DBP) na bukas sila na hindi muna patawan ng penalty ang mga operator ng modern jeepney.
Patuloy pa rin ang sitwasyon ng mataas na presyo ng produktong petrolyo dulot ng tensiyon sa Middle East.
Sa kasalukuyan, humiling ang LTFRB sa mga government financial institutions na magbigay ng konsiderasyon sa mga transport service entities na may umiiral na loan dahil sa pagbili ng modern jeepney sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP).
Ayon kay LTFRB Chairperson Vigor Mendoza II, maraming operator ang nahihirapan sa pagbabayad ng kanilang utang dahil sa mataas na presyo ng langis.
Bilang tugon, sumulat sila sa DBP upang hilingin ang pansamantalang suspension ng penalties sa mga delayed na pagbabayad ng loan sa ilalim ng Program Assistance for Service and Development of Automotive Transport (PASADA) Program.
Sinabi naman ng DBP na bukas silang suspendihin ito bilang katuwang ng pamahalaan sa modernization program.










