14-M doses ng COVID-19 vaccines, darating sa bansa sa Mayo hanggang Hunyo

Aabot sa 14 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang inaasahang darating sa bansa sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., unang darating sa Sabado, Mayo 1 ang naunsyaming 15,000 doses ng Sputnik V mula Russia.

Sa Mayo 7 naman ay panibagong 1.5 milyong doses ng Sinovac ang darating.


Inaasahan ding darating sa Mayo ang panibagong batch ng 500,000 doses ng Sinovac at 1 hanggang 2 milyong doses ng Sputnik V.

Posible ring may dumating sa bansa na AstraZeneca vaccine mula sa COVAX Facility.

Sinabi pa ni Galvez sa Hunyo ay darating sa bansa ang 194,000 doses ng Moderna vaccine, 4.5 milyong doses ng Sinovac, 2 milyong doses ng Sputnik V, at 1.3 milyong doses ng AstraZeneca na binili ng pribadong sektor.

Nakatanggap din aniya sila ng sulat mula sa COVAX Facility at GAVI na makakapag-deliver ito sa bansa ng 2,255,210 doses ng Pfizer vaccine sa Hunyo.

Facebook Comments