14 na 40-footer container van na gagawing quarantine facilities sa Parañaque City, ibinaba na ng DPWH sa lungsod

14 na 40-footer Container vans ang kinonvert na isolation rooms para sa COVID patients sa Parañaque City ang ibinaba ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lungsod.

Ang 14 na 40-footer container vans ay may kabuuang 56 rooms kung saan bawat isang container van ay may isang kwarto, isang bed at palikuran.

Aabot naman sa 17.8 million pesos ang ginastos ng DPWH para sa naturang container vans para sa COVID-19 patients ng lungsod.


Bukod dito, may 20 pang 40-footer container vans ang binubuo ng DPWH sa Sucat Road, Brgy. San Dionisio, Parañaque bilang karagdagang quarantine facilities para sa Parañaque City Local Government Unit (LGU).

Ayon kay Dra. Olga Virtusio ng Parañaque City Health Office, target nila sa September 3, 2020 na magdala ng COVID-19 patients sa 56 isolation rooms sa Brgy. Dionisio.

Facebook Comments