Multang ibabayad ng MERALCO dahil sa shock billing, dapat ibalik na lamang sa mga customer nito

78

Iginiit ng grupong Laban Konsyumer na ibalik sa mga customer ng Manila Electric Company (MERALCO) ang ₱19 milyon multa na ipinataw rito.

Ito’y kasunod ng kautusan ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Agnes Devenadera na pagmultahin ang MERALCO dahil sa mga “shock bill”.

Ayon kay Laban Konsyumer Convenor Atty. Vic Dimagiba, mas mapapakinabangan ng publiko kung mag-refund na lamang ng MERALCO sa mga customer nito na apektado ng pandemya.

Dagdag pa ni Dimagiba, hindi dapat mapunta sa ERC ang nasabing multa dahil ito ang may pagkukulang kung kaya’t nagkaroon ng kalituhan hinggil sa pagpapatupad ng estimated billing.

Aniya, una na nilang inilahad ang problema ng shock billing sa mga pagdinig na ikinasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso at panghuli ay sa ERC.

Facebook Comments