14 na biktima ng human trafficking, nasagip sa Zamboanga City – DMW

14 na biktima ng human trafficking ang na-rescue ng inter-agency rescue operations ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Zamboanga City.

Ayon sa DMW, dalawa ring human traffickers ang nadakip sa operasyon.

Kinilala ang mga suspek na sina Eufenia Cañete alias Inday Cañete at Aljibar Lakibul Sarani.


Ang mga nailigtas na biktima ay kinabibilangan ng siyam na babae kung saan lima sa mga ito ay menor de edad at lima rin ang lalaki kabilang na ang tatlong menor de edad.

Ayon sa mga biktima, sila ay pinangakuan ni Cañete ng trabaho sa palm oil industry sa Malaysia.

Aniya, pinangakuan sila ng illegal recruiters ng trabaho kahit na walang ligal na dokumento.

Sinabi pa ng mga biktima na nitong Enero lamang sila na-recruit at naghihintay na lamang sila ng pag-alis patungong Malaysia.

Ang mga biktima ay nasa kustodiya na ngayon ng DSWD Center para sa counseling, stress debriefing, at tamang disposisyon.

Facebook Comments