Pahayag ni FPRRD ukol sa pagpatay sa 15 senador, patuloy na umaani ng pagkondena mula sa mga kongresista

Patuloy na nadadagdagan ang mga kongresista na komokondena sa pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte (FPRRD) na pagpatay ng 15 mga senador para maka-upo ang kanilang mga kandidato.

Para kay House Assistant Majority Leader at Taguig City 2nd District Rep. Pammy Zamora, hindi katanggap-tanggap na magbiro ukol sa pagpatay ang dating pangulo lalo’t sa administrasyon ito ay libo-libo ang napatay sa madugong giyera kontra droga.

Giit naman ni House Deputy Majority Leader at La Union 1st Dist. Rep. Paolo Ortega V, hindi maka-Pilipino ang ugali ng dating pangulo at anak na si Vice President Sara Duterte na mahilig sa pananakot.


Panawagan naman ni House Assistant Majority Leader at Zambales 1st Dist. Rep. Jay Khonghun sa National Bureau of Investigation (NBI), pag-aralan na rin ang pagsasampa ng reklamo laban sa dating pangulo.

Nakababahala naman para kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang pahayag ni former PRRD dahil hindi biro ang pagpatay at hindi biro ang terorismo.

Sabi naman ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, hindi matatakpan ng pagbabanta at karahasan ang panawagan ng mamamayan para sa hustisya at pananagutan laban sa mga Duterte.

Facebook Comments