Labing apat na gusali ang napinsala sa naranasang 6.1 na lindol kahapon sa ilang lugar sa Central Luzon.
Batay ito sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Sa Balanga City, Bataan bahagyang nag-crack ang Provincial Cooperative Development Office ( PCEDO) Bataan Wall, Malabia Water Tank Balanga City, Robinson’s Mall Balanga at Vista Mall Bataan.
Sa San Marcelino Zambales may bahagyang pinsala ang isang creek canal sa Purok 3, Barangay Burgos.
Sa Lubao Pampanga, nag-collapsed ang Sto. Nino Arch, nag-collapse rin ang welcome arch sa Lubao- Balsik Boundary, sa ngayon hindi pa rin makadaan ang mga motorista.
Nag-collapse din ang isang tulay sa San Jose Gumil, totally damage rin ang Bataan Pampanga Boundary Arch.
Sa Porac, Pampanga nag-collapse ang Consuelo Brigde along Florida Blanca, nagkaroon naman ng sinkhole sa Megadike papunta ng Porac.
Sa Clark, Pampanga napinsala ang pinakakisame ng Clark International Airport dahilan sa paghinto ng operasyon nito.
Sa National Capital Region (NCR), bahagyang napinsala ang gusali ng Emilio Aguinaldo College o EAC.
Nagpapatuloy ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng pagyanig kahapon.