Arestado ang 14 na indibidwal matapos mahuli sa aktong nagtutupada o sabong sa kasagsagan ng umiiral na General Community Quarantine (GCQ).
Batay sa police report, nagsagawa ang Raxabago Police Station ng isang operasyon laban sa mga ilegal na aktibidad sa Balut, Tondo, Maynila.
Dito naaresto ang 14 na indibidwal na pawang taga-Tondo, Manila, Navotas City, Malabon City and Caloocan City.
Sila ay kinilala na sina Jundy Dosal, Anthony Bontigao, Jimmy Savador, Reynaldo Padon, Gaudy Abrea, Rodolfo Francisco, at Rolando Lim.
Kasama ring naaresto sina Romulo Francisco, Ritchie Tapdasan, Jackson Magallanes, Ralph Bryan Roldan, Patric Duran, Ricky Gimao, at Rodrigo Insigne.
Ayon kay Station 1 Commander Lieutenant Col. Cristopher Navida, ito ay bahagi ng pinatibay na police operation upang labanan ang patuloy na lumalaganap na ilegal na aktibidad sa lungsod.
Narekober sa mga suspek ang dalawang manok na pang sabong, dalawang steel taring na nakakabit sa manok, at perang nagkakahalagang P4,800.
Pakiusap ni Navida, gamitin ng tama ang pera ngayong may pandemya at makipagtungan sa mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.