14 NA LGU SA PANGASINAN, HINIRANG BILANG CHILD-FRIENDLY LOCAL GOVERNANCE

Labing-apat na lokal na pamahalaan sa probinsya ng Pangasinan ang binigyang parangal bilang Child-Friendly Local Governance ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa taong 2021.
Ang mga ito ay ang lungsod ng Dagupan, lungsod ng Alaminos, Sta. Barbara, Anda, San Manuel, Bugallon, Umingan, Villasis, Basista, Mangaldan, Natividad, San Fabian, Urbiztondo at bayan ng Burgos.
Ang programa ay pagbibigay ng pagkilala sa mga LGU sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa mga bat na layuning maisulong ang kanilang kapakanan at karapatan.

Ayon sa DILG Region 1, nawa ay ipagpatuloy ng mga LGU ang kanilang adhikain upang maging child friendly ang bansa. |ifmnews
Facebook Comments