Apat na lungsod sa Metro Manila ang tinukoy ng OCTA Research group na high-risk sa COVID-19.
Kabilang rito ang mga Pasay, Makati, Malabon at Navotas.
Itinuturing na high-risk area ang Pasay City matapos itong makitaan ng napakataas na attack rate na 30 per 100,000.
Nakapagrehistro naman ng mahigit 80% hospital bed at ICU utilization ang lungsod ng Makati.
Sa lahat ng mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR), tanging ang Valenzuela lamang ang nakitaan ng pagbaba sa bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 mula February 28 hanggang March 6.
Gayunman, kinalampag ng OCTA Research ang mga barangay na nakitaan ng mahigit 100% pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo.
Kabilang rito ang:
• Barangay Fort Bonifacio in Taguig City (102 cases, up by 149%)
• Barangay Tambo in Parañaque City (74 cases, up by 208%)
• Barangay Baclaran in Parañaque City (63 cases, up by 232%)
• Barangay Longos in Malabon (52 cases, up by 126%)
• Barangay Commonwealth in Quezon City (52 cases, up by 126%)
• Barangay Ugong in Pasig City (49 cases, up by 227%)
• Barangay San Lorenzo in Makati City (48 cases, up by 200%)
• Barangay Tonsuya in Malabon (46 cases, up by 188%)
• Barangay 704 in Manila (45 cases, up by 1400%)
• Barangay Rosario in Pasig City (39 cases, up by 129%)
Samantala, nakitaan naman ng downward trend ang Cebu City, Lapu-Lapu at Mandaue.
Bumaba rin ang naitatalang bagong kaso ng sakit sa Davao City habang tumaas ang sa Baguio City.