14 na party-list groups, makatitiyak ng tig-isang pwesto sa Kamara – Pulse Asia survey

Nasa 14 na party-list groups na tumatakbo sa May 13 midterm elections ang mabibigyan ng hindi bababa sa tig-isang pwesto sa Kamara.

Base sa survey ng Pulse Asia, ang mga grupong: Bayan Muna; Magsasaka; Gabriela; Ako Bicol; A Teacher; Senion Citizens; Buhay; Akbayan; Amin; An Waray; Kalinga; Anakpawis; Cibac at Angkla ang magkakaroon na ng seat.

Lumabas din sa survey na tatlo sa bawat apat na Pilipinong registered voters o 74% ang nakabasa, nakapakinig o nakapanood ng tungkol sa party-list system.


Mataas ito sa 61% awareness level noong February 2019.

Mula sa 134 party-list groups na accredited ng Commission on Elections (Comelec), 14 dito ang nakakuha ng higit 2 porsyento mula sa mga botante, na awtomatikong magbibigay sa kanila ng isang pwesto sa mababang kapulungan sa unang round ng seat allocation.

Ang 134 party-list groups ay mag-aagawan sa 59 seats na nakalaan sa party-list organizations.

Sa ilalim ng Republic Act 7941 Party-List System Act, layunin ng party-list system na magbigay ng marginalized at underrepresented sektor ng boses sa Kongreso.

Isinagawa ang survey mula March 23-27 2019 sa 1,800 respondents sa pamamagitan ng face-to-face interviews.

Facebook Comments