Eastern Visayas earthquake, nag-iwan na ng halos 30 sugatan

Umabot na sa 26 ang sugatan sa naganap na magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Samar nitong Martes.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), wala pang naitatalang nasawi pero nasa 93 pamilya sa 18 barangay sa Eastern at Western Samar ang apektado.

Nasa lagpas 90 bahay din ang napinsala ng lindol sa dalawang probinsya.


Ilang pasilidad at istraktura ang naapektuhan din kabilang na ang ilang health facilities, eskwelahan at commercial buildings.

Facebook Comments