14 na Positibo sa COVID-19 sa Isabela, Gumaling; 7 Bagong Kaso, Naitala

17

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng labing-apat (14) na bagong bilang ng mga gumaling sa COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela ngunit nakapagtala rin ng pitong (7) bagong positibo sa virus.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2 as of 8:00 ngayong araw, November 22, 2020, mula sa 7 na new COVID-19 cases, apat (4) ang naitala sa Santiago City at tig-isa (1) sa bayan ng Roxas, Sto. Tomas at Alicia.


Umaabot naman sa 228 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Mula sa 228 na total active cases, tatlo (3) rito ay mga Returning Overseas Filipino (ROF’s), labing dalawa (12) ang mga Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs), dalawampu’t dalawang (22) healthworkers, limang (5) pulis at 186 na maituturing na local at Community transmission.

Facebook Comments