Plt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, itinalaga bilang bagong pinuno ng JTF COVID Shield

78

Kinumpirma ni Philippine National Police Deputy Chief for Administration Lt. General Guillermo Eleazar na itinalaga siya bilang commander ng PNP Administrative Support ng COVID Operations Task Force.

Ayon kay Eleazar, nagpapasalamat siya sa lahat ng tulong at suporta na ibinigay sa kaniya noong nagsisilbi siya bilang commander ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield.


Kaugnay nito, sinabi ni Eleazar na si Police Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag na ang itinalagang bagong mamumuno sa JTF COVID Shield.

Naging epektibo noong Nobyembre 17 ang pagtatalaga kay Eleazar bilang commander ng bagong task force.

Facebook Comments