14 Pamilya sa isang Barangay sa Maddela, Inililikas na

29

Cauayan City, Isabela- Inilikas na ang nasa 14 na pamilya sa Barangay Pedlisan sa bayan ng Maddela, Quirino makaraang makaranas ng pagbaha ang kanilang mga kabahayan bunsod ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Dante Tacadena, rescue 104 member, lubog na rin sa baha ang Manglad-San Pedro overflow bridges na ngayon ay pansamantalang isinara sa lahat ng motorista upang maiwasan ang anumang insidente.


Aniya, nagkaloob na rin ang lokal na pamahalaan ng food packs sa nasabing bilang ng mga inilikas na nananatili sa Diduyon Elementary School bilang isa sa mga evacuation center.

Sa ngayon ay nakaalerto ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council para sa posibleng paglikas ng iba pang mga pamilya dahil sa Bagyong Ulysses.

Nananatiling nakataas pa rin sa Signal no. 3 ang bayan ng Maddela.

Facebook Comments