Disaster response units ng AFP sa Luzon at ilang bahagi ng Visayas, nasa high alert status na

48

Bilang paghahanda sa epekto ng Bagyong Ulysses, nasa high alert status ngayon ang mga Disaster Response Units ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Luzon at ilang lugar sa Visayas.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay, naka-pre-positioned ngayon sa ligtas na lugar ang kanilang mga tauhan at equipment sa Southern Luzon Command, Northern Luzon Command at Joint Task Force National Capital Region maging sa mga battalions.


Mahigpit din silang nakikipag-ugnayan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at local counterparts para masigurong agad na marerespondehan ang mga mangangailangan ng tulong.

Sinabi pa ni Gapay na naka-deploy na rin ang search and rescue units na may mobility assets at naglilibot sa mga mababang area para sa posibleng evacuation.

Tiniyak ni Gapay sa publiko na mananatili silang nakatutok sa kaligtasan ng mga naapektuhan ng bagyo katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Panawagan naman ng AFP sa lahat na mag-ingat, makinig at makiisa para maibsan ang epekto ng pananalasa ng bagyo.




Facebook Comments