14 pang lugar sa bansa, inilagay sa Alert Level 3 dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Isasailalim na rin sa Alert Level 3 ang 14 pang lugar sa bansa simula sa Linggo, Enero 9 hanggang Enero 15.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ito ay sa gitna ng pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.

Dahil dito, Alert Level 3 na ang:


 Dagupan City
 City of Santiago
 Cagayan
 Olongapo City
 Angeles City
 Bataan
 Pampanga
 Zambales
 Naga City
 Iloilo City
 Lapu-Lapu City
 Batangas
 Lucena City
 Baguio City

Sinabi ni Nograles na sinisilip din ng Inter-Agency Task Force na gawing batayan ang healthcare utilization rate para matukoy ang alert level classifications.

Facebook Comments